Mula ika-18 hanggang ika-21 ng Oktubre, 2016, isinagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matagumpay na state visit sa Tsina. Liban sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang Tsina ay unang bansang binisita ni Pangulong Duterte. Binigyan ng lubos na papuri ng mga iskolar at opisyal ng Pilipinas ang nasabing biyahe.
Ipinahayag ni Ramon Casiple, Executive Director of the Institute For Political and Electoral Reforms, na napakatagumpay ng biyahe ni Pangulong Duterte sa China, at kapwa naisakatuparan ng dalawang bansa ang kani-kanilang target.
Ipinahayag din ni Benito Lim, Propesor ng Ateneo de Manila University, na ang pagbabasura ng Tsina ng import ban sa ilang produktong agrikultural mula sa Pilipinas, ay isang malaking paborableng impormasyon. Umaasa aniyang ito ang magiging simula ng mainam na relasyon ng dalawang bansa.
Samantala, ipinahayag ni Arthur Tugade, Kalihim ng Transportasyon, na napakaraming pagkakataon sa trabaho ang maidadala sa Pilipinas ng state bisita ni Pangulong Duterte sa Tsina. Bukod dito, ayon sa joint statement na ipinalabas noong Oktubre 21 ng Tsina at Pilipinas, sinang-ayunan ng dalawang bansa na ibayo pang payamanin ang kanilang bilateral na relasyon. Ito aniya ay nakakabuti sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyong ito.
Salin: Li Feng