Kaugnay ng bali-balitang umano'y malaya nang nakakapangisda ang mga mangingisdang Pinoy sa karagatang Huangyan Island, sinabi nitong Linggo, Oktubre 31, 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagiang mayroong "normal administration" ang Tsina sa nasabing isla, at hindi pa rin nagbabago ang kaukulang situwasyon doon.
Ani Hua, sa kasalukuyan, bunga ng state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China, komprehensibong bumuti ang relasyong Sino-Pilipino. Sa kalagayang ito, at dahil mahalaga ang isyung ito kay Pangulong Duterte, gagawa ng maayos na arrangement ang panig Tsino, dagdag pa ni Hua.
Salin: Li Feng