|
||||||||
|
||
Kabilang aniya sa mga larangan kung saan maaring pumasok ang mga kompanyang Tsino ay: parts and manufacturing at assembly, clothesline manufacturing and industry, textile manufacturing, processing of high-value food, tourism, services, Micro, Small at Medium Enterprises (MSMEs) at marami pang iba.
Ipinaabot ni Undersecretary Terrado ang nasabing imbitasyon sa mga bahay-kalakal na Tsino sa kanyang talumpati sa Philippines-China Trade and Investment Forum. Bilang bahagi ng makasaysayang pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Tsina Oktubre 18-21, 2016, idinaos sa Great Hall of the People sa Beijing ang nasabing forum na ginanap, Oktubre 20, 2016.
Idinagdag pa ni Undersecretary Terrado na lubhang mahalaga ang mga MSMEs sa pag-unlad ng kabuhayan ng Pilipinas at Tsina, at winewelkam ng Pilipinas ang pagdating ng estratehikong kooperasyon ng Pilipinas at Tsina sa larangang pang-negosyo.
Ito aniya ang magpo-promote ng magandang kapaligiran upang lumago ang mga MSMEs, magsusulong ng pagpapalitang panteknolohiya at kooperasyon, at magbubukas ng mga daan tungo sa bagong modelo ng pagpapalitan at pagtutulungan para mapalakas ang cross-border cooperation ng mga MSMEs ng dalawang bansa, tulad ng exchange visit, trade and investment fare, business matching, information sharing, start-up event, capacity building at marami pang iba.
Ipinahayag din ni Terrado na ang Tsina ang ikalawang pinakamalaking trading partner ng Pilipinas sa taong 2015, at mula Enero hanggang Hulyo 2016, ang kabuuang halaga ng trade sa pagitan ng dalawang bansa ay umabot sa $USD11.6 bilyon.
/end/rhio/jade//
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |