|
||||||||
|
||
Ipinahayag din ni Lopez na ang $USD 17 bilyong dolyar na total trade level ng dalawang bansa ay maaring mag-doble o mag-triple sa loob ng ilang taon, at ang ganitong tunguhin ay pareho rin para sa investment.
Wika ito ni Kalihim Lopez sa kanyang talumpati sa Philippines-China Trade and Investment Forum na ginanap sa katatapos na bihaye sa Tsina ni Pangulong Duterte Oktubre 18-21, 2016.
Sa larangan naman ng turismo, sinabi ni Lopez na ang 500 libong kasalukuyang bilang ng mga turistang Tsinong nagpunta sa Pilipinas ay maaring mag-doble o mag-kuwadruple sa sandaling magbukas ang pintuan ng dalawang bansa sa larangang ito.
Dagdag niya, ang Tsina ay malapit na kapitbansa ng Pilipinas, at natural na katuwang sa pagnenegosyo, sa loob ng mahabang mahabang panahon.
Subalit, ang relasyon ng Pilipinas at Tsina ay hindi lamang hinggil sa negosyo at pagkakaibigan, aniya pa; kundi maituturing din na relasyon ng magkapamilya, dahil marami aniya sa mga Pilipino, lalo na sa mga mangangalakal na kalahok sa naturang pagtitipon ay may dugong Tsino.
Sinabi ni Lopez na optimistiko ang mga komunidad na pang-negosyo ng Pilipinas at Tsina sa pag-angat sa pinakamataas na lebel ng relasyong pangkalakalan ng dalawang bansa.
/end/rhio/jade//
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |