Sa kanyang midnight speech nitong Sabado, Nobyembre 5, 2016, ipinahayag ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia ang paggalang sa mapayapang demonstrasyon na nangyari nitong Biyernes sa kabisera ng bansa. Ipinahayag din niya ang kalungkutan at pagkabahala sa kaguluhang nagbunsod ng demonstrasyon.
Ipinalalagay ni Joko na mayroong puwersang pulitikal at mga politiko na gumagamit sa situwasyon ng bansa. Umaasa aniya siyang mapapanatili ng mga mamamayan ang pagtitimpi at uuwi sa pinakamadaling panahon. Bukod dito, inatas din niya sa pulis at hukbo na igarantiya ang tahimik na kalagayan. Hanggang sa ngayon, mainam ang situwasyong panseguridad ng Jakarta, at hindi malaki ang epekto ng nasabing situwasyon sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Nitong Biyernes, mahigit 100 libong tao ang nagsagawa ng kilos protesta sa Jakarta. Inilunsad ito ng mga organisasyong gaya ng "Islamic Defenders Front."
Salin: Li Feng