Lunes, ika-7 ng Nobyembre, 2016, sinabi ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na palagiang kinakatigan ng panig Tsino ang pagsasagawa ng kaukulang kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng Tsina at Malaysia, batay sa mga simulaing komersyal at mutuwal na kapakinabangan. Kinakatigan din aniya ng Tsina ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Malaysia at connectivity nito sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Sa panahon ng katatapos na pagdalaw ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia sa Tsina, nag-post siya ng litrato sa social meida ng pagsakay niya ng high speed train. Tinatayang posibleng ipagkatiwala ng Malaysia sa panig Tsino ang Malaysian side ng Singapore-Malaysia high speed railway project.
Kaungay nito, sinabi ni Lu na matagumpay ang katatapos na pagdalaw ni Punong Ministro Najib sa Tsina. Aniya, ibayo pang pinahigpit ng nasabing pagdalaw ang pagtitiwalaan ng kapuwa panig, at pinalalim ang mapagkaibigang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa. Tiyak na pasusulungin nito ang komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa sa bagong antas, dagdag pa niya.
Salin: Vera