Miyerkules, ika-22 ng Hunyo, ipinatalastas ng China Southern Airlines na mula ika-29 ng Setyembre ng taong ito, isasaoperasyon nito ang direktang flight sa pagitan ng Guangzhou at Malacca. Ito ang magiging unang direktang linya ng Chinese mainland patungong Malacca.
Ayon sa opinyon ng isang personahe sa sirkulo ng turismo ng Tsina, kasabay ng ibayo pang pagdaragdag ng mga linya ng Tsina at Malaysia, at pagluwag ng visa policy, tataas nang malaki ang bilang ng mga pagbisita ng dalawang bansa sa isa't isa sa hinaharap.
Magiging regular chartered flight ang nasabing direktang flight sa pagitan ng Guangzhou at Malacca. Isasaoperasyon ito mula Setyembre hanggang Enero ng susunod na taon, at may permanenteng lipad kada limang araw.
Salin: Vera