Kuala Lumpur — Ipinalabas nitong Miyerkules, Nobyembre 9, 2016, ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia ang pahayag bilang pagbati sa panunungkulan ni Donald Trump bilang bagong Pangulong Amerikano. Inaasahan aniya niyang sa ilalim ng pamumuno ni Trump, magpapatuloy ang kooperasyon ng dalawang bansa sa aspekto ng pagbibigay-dagok sa terorismo at ekstrimismo sa buong mundo.
Dagdag pa ni Najib, "binabati ko ang 'extraordinary achievement' na natamo ni Trump, at inaasahan ko ring makita siya muli."
Salin: Li Feng