|
||||||||
|
||
Ipinahayag kagabi, Nobyembre 15, 2016, ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-asang sa gaganaping Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit, makakausap niya si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.
Gaganapin sa Lima, Peru ang Ika-24 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng APEC mula ika-19 hanggang ika-20 ng Nobyembre. Kumpirmadong dadalo sa pulong si Pangulong Duterte.
Ani Pangulong Duterte, umaasa siyang magiging kaibigan ni Putin, pati na ring magiging pinakamabuting magkaibigan ang Pilipinas at Rusya. Ang isyu ng kalakalan at kabuhayan ay posibleng magsisilbing tema ng kanilang talastasan, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |