DUMALAW si Philippine Ambassador to the Russian Federation Carlos D. Sorreta sa tanggapan ng Consular Department ng Ministry of Foreign Affiars kamakailanupang pag-usapan ang mga paraan upang maipagsanggalang ang lumalaking bilang ng mga Filipino sa bansa.
Kinausap ni Ambassador Sorreta si Nail Mazgutovich Latyrov, ang deputy director for consular affairs sa ilang posibleng kasunduan na makatutulong na mabantayan ang mga karapatan ng mga manggagawang Filipino sa ilalim ng Republic Act 10022 na pinamagatang Migrant Workers Act.
Kabilang sa napapaloob na programa ang pagpapalawak ng kakayahan ng embahada na makatulong sa mga problemadong Filipino , magkaroon ng mas malawak na pagpapalitan ng impormasyon at garantiya na makakausap ng gma taga-embahada ang mga napipiit na filipino.