Idinaos kahapon sa Kunming, Tsina, ang ika-11 akademikong pulong ng Greater Mekong Subregion Academic and Research Network.
Lumahok sa pulong ang mga dalubhasa mula sa 6 na bansa sa Greater Mekong Subregion (GMS). Tinalakay nila ang mga isyu hinggil sa inobasyon sa enerhiya, kapaligiran, at sustenableng pag-unlad.
Sa ilalim ng mga paksang ito, nagpalitan din sila ng mga teknolohiya hinggil sa pangangalaga sa bio-diversity, relasyon sa pagitan ng pagbabago ng klima at paggamit ng mga enerhiya, sustenableng konsumo at produksyon, pag-unlad ng mga katamtamang-laki at maliit na bahay-kalakal, renewable energy, biofuel, pangangasiwa sa yamang-tubig, environment-friendly building, at iba pa.
Salin: Liu Kai