|
||||||||
|
||
Binuksan ngayong araw sa Kunming, kabisera ng lalawigang Yunnan sa dakong timog-kanluran ng Tsina, ang Ika-7 Greater Mekong Subregion (GMS) Economic Corridor Forum.
Magkasamang nangulo sa porum sina Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina at Stephen Groff, Pangalawang Presidente ng Asian Development Bank (ADB).
Kalahok sa porum ang mga kinatawan mula sa anim na kasaping bansa ng GMS sa kahabaan ng Mekong River na kinabibilangan ng Tsina, Biyetnam, Kambodya, Laos, Thailand at Myanmar.
Ang porum ay naglalayong tupdin ang mga natamong bunga ng Ika-5 Pulong ng mga Lider ng GMS noong 2014 para malutas ang mga problemang kinakaharap ng mga pamahalaang lokal at bahay-kalakal sa proseso ng pagpapasulong ng pagtatatag ng GMS economic corridor.
Ang unang Greater Mekong Sub-region Economic Corridor Forum ay idinaos noong 2008. Halinhinang itinataguyod ang taunang porum ng mga kasaping bansa.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |