Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bihag ng Abu Sayyaf, pinalaya na

(GMT+08:00) 2016-11-17 17:05:19       CRI

MATAPOS ang higit sa tatlong buwang pagkakabihag ng Abu Sayyaf Group, pinalaya na si Elmer Ybanez Romoc kamakalawa sa isang hindi binanggit na pook sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Major Filemon Tan, Jr. tagapagsalita ng AFP Western Command, Sakay si Romoc ng M/V Bounty Cruiser mula Jolo at sinundo ng kanyang pamilya at mga tauhan ng Anti-Kidnapping Group sa daungan sa Zamboanga City ganap na ika-pito't kalahat ng umaga kahapon.

Dinukot si Romoc at ang kanyang anak na si Ricson ng grupong pinamumunuan ni Adoer Abdulla at Jaber Susukan sa Barangay Kulisap, Payao, Zamboanga Sibugay noong ikalima ng Agosto ng taong ito.

Dinala na sa tanggapan ng Anti-Kidnapping Group ang biktima upang sumailalim sa medical check-up at debriefing.

Bihag pa rin ng Abu Sayyaf Group ang nakababatang si Ricson.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>