Binuksan kahapon, Biyernes, ika-18 ng Nobyembre 2016, sa Lima, Peru, ang 2016 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit. Kalahok dito ang mga lider ng mga kasapi ng APEC, at mga mataas na kinatawan mula sa mga bahay-kalakal.
Ipinahayag ng mga kalahok ang pagkabahala sa lumalalang proteksyonismong pangkalakalan, at nanawagan sila para sa paggarantiya sa malayang kalakalan.
Binigyang-diin din nila ang kahalagahan ng inobasyon. Ito anila ay pinakamabisang paraan, para panatilihin ang de-kalidad na paglaki ng kabuhayan, at pataasin ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Salin: Liu Kai