Dumating kahapon, Biyernes, ika-18 ng Nobyembre 2016, sa Lima, kabisera ng Peru, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Magsasagawa siya ng dalaw-pang-estado sa bansang ito, at dadalo sa Ika-24 na Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Sa kanyang talumpati sa paliparan, binigyan ni Xi ng mataas na pagtasa ang relasyon at kooperasyon ng Tsina at Peru. Umaasa aniya siyang, sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, palalakasin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa, palalawakin ang komong palagay, palalalimin ang kooperasyon, at pasusulungin ang komong kaunlaran.
Ipinahayag din ni Xi ang pagkatig sa Peru sa pagtataguyod ng naturang pulong ng APEC.
Salin: Liu Kai