Jakarta — Ipinahayag kamakailan ni Darmin Nasution, Indonesian Coordinating Minister for Economic Affairs, na ang protectionism plan na minsa'y binanggit ni American President-elect Doland Trump sa kanyang campaign period, ay makakabawas sa pagluluwas ng Indonesia sa Amerika. Aniya, ang mga kaukulang hakbanging bibigyang-limitasyon sa larangan ng logistics ay makakaapekto sa kalakalang pandaigdig sa pagitan ng Amerika at mga umuunlad na bansang tulad ng Tsina, at Indonesia.
Ipinahayag din kamakailan ni Agus Martowardojo, Puno ng Bangko Sentral ng Indonesia, na makaraang maihalal si Trump bilang presidente, kung isasagawa ng Amerika ang protectionism measures, maaapektuhan nito unang una na, ang pagluluwas ng Indonesia.
Salin: Li Feng