Idinaos sa sentrong panlunsod ng Seoul nitong Sabado, Nobyembre 26, 2016, ng mga mamamayang Timog Koreano ang ika-5 round ng malawakang rally upang himukin ang pagbaba sa puwesto ng kanilang pangulong si Park Geun-Hye. Sapul nang maibunyag ang "corruption scandal" incident, ito ang masasabing pinakamalaking kilos protesta laban kay Park.
Ayon sa pagtaya ng panig pulisya, halos 270 libong katao ang kalahok sa nasabing rally. Ngunit ayon naman sa tagapag-organisa, mga 1.5 milyon ang totoong bilang ng mga raliyista, at ito ang naging pinakamalawak na rali nitong limang (5) linggong nakalipas.
Ayon sa isang inilabas na Gallup poll nitong Biyernes, nitong ika-4 na linggo ng Nobyembre, 4% lamang ang support rate kay Park na naging pinakamababa sa kasaysayan ng mga naging pangulong Timog Koreano.
Salin: Li Feng