|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Biyernes, Nobyembre 25, 2016, ni Punong Ministro Prayut Chan-o-cha ng Thailand na sa malapit na hinaharap, sasalubungin ng kanyang bansa ang bagong hari. Ngunit hindi niya binanggit ang eksaktong petsa tungkol dito.
Kinumpirma nang araw ring iyon ni Pornpetch Wichitcholchai, Presidente ng National Legislative Assembly (NLA) ng Thailand, na sa kahilingan ng gabinete, idaraos bukas, Nobyembre 29, ng asembleang lehislatibo ang espesyal na pulong na dadaluhan ng lahat ng mambabatas.
Ayon sa kaukulang batas at regulasyon ng Thailand, kung walang umaaktong hari at naunang natiyak na ang crown prince, ipagbibigay-alam ng gabinete ang pangalan ng crown prince sa asembleang lehislatibo para pasimulan ng asembleang ito ang proseso ng throne succession.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |