Hawak ang itim na ribbon, sinabi ni Yuthasak Supasorn (sa kaliwa) na maaring kumuha nang libreng itim na ribbon ang mga turista sa paliparan. Ang pagsusuot ng itim o puting damit ay hindi puwersahang kahilingan ng Thailand sa mga turista.
Noong Oktubre 13, 2016, pumanaw si Thailand King Bhumibol Adulyadej. Mula Oktubre 14, pumasok ang Thailand sa panahon ng pambansang pagluluksa. Kaugnay nito, ipinahayag kamakailan sa Bangkok ni Yuthasak Supasorn, Puno ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Thailand, na bagama't nasa panahon ng pambansang pagluluksa, puwede pa ring maglakbay sa kanyang bansa ang mga dayuhang turista. Winiwelkam pa rin aniya ng Thailand ang mga dayuhang turista, partikular na ang mga turistang Tsino.
Mga mamamayang Thai habang nag-iiwan ng mensaheng panluksa sa isang altar sa loob ng mall.
Mula noong Oktubre 14, magluluksa ng isang taon ang mga Thai government agency staff at magsusuot ng itim o puting damit. Samantala, sa loob ng darating na 30 araw mula sa araw na ito, kakanselahin din ang mga public entertainment activities sa bansa. Ngunit, para sa mga dayuhang turista, puwede silang maglakbay sa Thailand, ayon kay Yuthasak.
Salin: Li Feng