Ayon sa ulat kahapon, Lunes, ika-28 ng Nobyembre 2016, ng Ministri ng Pampublikong Seguridad ng Tsina, nitong 3 buwang nakalipas, isinagawa ng Tsina, Laos, Myanmar, Thailand, Kambodya, at Biyetnam ang magkakasamang aksyon ng paglaban sa ilegal na droga sa kahabaan ng Mekong River. Nasamsaman ng mga ito ang 12.7 toneladang droga, at nadakip ang mahigit 9,900 suspek.
Sinang-ayunan din ng anim na bansa na ipagpatuloy ang naturang aksyon, at palakasin ang kooperasyon sa mga aspekto ng paglilipat ng mga suspek, pagkuha ng mga ebidensiya, magkakasamang pagsisiyasat sa mga kaso, at iba pa. Ito anila ay para matamo ang pinakamalaking bunga sa paglaban sa droga.
Salin: Liu Kai