|
||||||||
|
||
Mga kawal, sugatan sa pagsabog sa Marawi City
SIYAM na kawal ng pamahalaan na kinabibilangan ng pitong mula sa Presidential Security Group ang nasagutan sa pagsabog ng isang improvised explosive device kaninang umaga.
Sinabi ni Brig. General Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na ayon sa pangunang ulat, ang mga sasakyan ng mga tauhan ng PSG, Radio-TV Malacanang at local troop escorts ang tinamaan ng bombang itinanim sa tabing-daan.
Patungo ang convoy sa 103rd Brigade headquarters.
Ayon kay General Padilla, karamihan ay bahagyang nasugatan maliban sa isang PSG na malubha ang sugat na tinamo. Isang helicopter ang nagdala sa limang sugatang kawal sa isang pagamutang hindi binanggit ang pangalan sa Cagayan de Oro City.
Ayon kay Lt. Col. Michael Aquino, tagapagsalita ng Presidential Security Group, naganap ang insidente sa Sitio Matalupay, Marawi City kaninang ika-sampu at apatnapu't lima ng umaga.
Sumabog ang IED samantalang dumaraan ang advance party ni Pangulong Duterte sa pook.
Inaalam pa ang uri ng pampasabog na ginamit at gusto ring matunton ang may kagagawan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |