Show cause order, dinala na sa Senado
DINALA nina House Majority Leader Rodolfo Farinas at House Justice Committee chairman Reynaldo Umali ang show cause order laban kay Senador Leila de Lima sa tanggapan ni Senate Secretary Lutgardo Barbo.
Naglabas ng kautusan ang Mababang Kapulungan dahila sa umano'y pagtatangka ni Senador de Lima na hadlangan ang pagtestigo ng kanyang dating tsuper at bodyguard na si Ronnie Dayan sa pagsisiyasat sa pakikipagsabwatan sa pagdaloy ng salapi mula sa New Bilibid Prison patungo sa kaban ni Senador de Lima na noo'y kakandidato sa pagka-senador.
Napapaloob sa kautusan na may 72 oras si Senador de Lima na magpaliwanag kung bakit hindi siya nararapat kasuhan ng contempt. Akusado rin ang mambabatas ng pakikinabang sa drug trade upang paghandaan ang kandidatura sa pagka-senador.
1 2 3 4 5