|
||||||||
|
||
Sinalubong nitong Martes, Nobyembre 29, 2016, ng Thailand ang kanilang bagong hari. Idinaos noong alas-11:00 nang araw ring iyon (local time) ang espesyal na pulong ng National Legislative Assembly (NLA) ng Thailand kung saan idineklara ng Presidente nitong si Pornpetch Wichitcholchai na kumpirmadong opisyal na aakyat sa trono bilang hari si Crown Prince Maha Vajiralongkorn at tatawaging King Rama X.
Pagkaraang pumanaw ang dating Thailand King na si Bhumibol Adulyadej noong isang buwan, mahabang panahong inaabangan ng buong bansa ang kanilang bagong hari. Dahil maraming beses na ipinahayag ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha na walang anumang problema sa pag-akyat ng Crown Prince sa trono, at napakalinaw din ng posisyon ng NLA, naging sapat at malinaw ang mental preparation ng lipunang Thai sa pagdating ng bagong hari.
Pagkaraan nito, agarang ibinalita ng mga mediang Thai at dayuhan ang nasabing impormasyon. Ipinalalagay ng opinyong publiko na ang maayos na pag-akyat sa trono ng bagong haring Thai, ay nakakatulong sa pagpapanatili ng katatagan ng situwasyon ng bansang ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |