Ipinahayag kamakailan ni Darun Sangchai, Deputy Permanent-Secretary for Transport and acting Director-General of the Department of Airport ng Thailand, na plano ng kanyang departamento na magsagawa ng pagpapalawak at pag-a-upgrade sa 29 na paliparan ng bansa para matugunan ang pangangailangan ng paglaki ng bilang ng mga pasahero sa loob ng darating na sampung (10) taon.
Hinihiling din niya sa iba't-ibang paliparan na pabilisin ang pagbalangkas ng kaukulang plano. Aniya, dapat ipauna ang pagpapaunlad sa mga paliparang may napakaraming aviation transportation at pasahero.
Salin: Li Feng