Ipinalabas Martes, Disyembre 6, 2016, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang White Paper tungkol sa Chinese Traditional Medicine (CTM).
May halos siyam na libong (9,000) salita ang nasabing white paper na nahahati sa apat (4) na bahaging kinabibilangan ng kasaysayan ng CTM, patakaran at hakbangin ng Tsina sa pagpapaunlad ng CTM, pagpapatuloy at pag-unlad ng CTM, at pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan sa CTM.
Tinukoy nito na sapul nang maitatag ang bagong Tsina, lubos na pinahahalagahan at puspusang kinakatigan ng Tsina ang pag-unlad ng CTM. Sapul ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), nabigyan ng partido at pamahalaan ng mas malaking pansin ang CTM development, at ginawa nito ang isang serye ng mahalagang kaukulang desisyon.
Anang white paper, sa kasalukuyan, natatagpuan ang CTM sa 183 bansa't rehiyon.
Salin: Li Feng