Ipinahayag nitong Martes, Disyembre 6, 2016, ni Pangulong Park Geun-Hye ng Timog Korea ang kahandaang maagang bumaba sa puwesto sa Abril ng susunod na taon. Sa kabilang dako, ipinasya ng partidong oposisyon na isulong ang pagboto ng Pambansang Asemblea sa impeachment case laban kay Park sa darating na Biyernes.
Ayon sa Yonhap News Agency, nakausap ng halos 55 muinuto sa Chong Wa Dae Martes ng hapon, ni Park sina Lee Jung-hyun, kinatawan ng Saenuri Party, at Chung Jin-suk, floor leader ng Conservative Ruling Party. Ayon kay Chung Jin-suk, ipinahayag ni Park na kung mapapasa ng Pambansang Asemblea ang impeachment case, matahimik niyang mamatyagan ang proseso ng paghatol ng Constitutional Court. Handa rin aniya ang kanyang "kahandaang pang-isip para kalmadong umalis."
Kaugnay ng planong "pababain sa puwesto ang Pangulo sa Abril, 2017, at maagang idaos ang pambansang halalan sa Hunyo, 2017" na naunang iniharap ng Saenuri Party, ipinahayag ni Park na ganap niyang tatanggapin ito. Ngunit ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na ang nasabing pahayag ni Park ay nagpapakitang kung mapapasa ang impeachment case, hindi siya agarang magre-resign hanggang lumabas ang hatol ng Constitutional Court.
Salin: Li Feng