Inaprobahan nitong Miyerkules, Disyembre 7, 2016, ng Philippine Commission on Appointments (CA) ang nominasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa beteranong media person na si Jose Santiago Sta. Romana sa panunungkulan bilang Embahador ng bansa sa Tsina. Ipinahayag ni Romana na siya'y lipos ng kompiyansa sa magandang kinabukasan ng relasyong Pilipino-Sino.
Pagkaraang aprubahan ng CA ang nasabing nominasyon, ipinahayag ni Romana na magsisikap siya sa abot ng kanyang makakaya upang mapasulong ang kapakanan ng bansa at ibayo pang mapaunlad ang bilateral na relasyong Pilipino-Sino.
Ipinahayag din ni Romana na ang priyoridad ng gawain niya pagkaraang manungkulan sa puwesto, ay isakatuparan ang mga nalagdaang kasunduan ng dalawang bansa sa panahon ng state visit ni Pangulong Duterte sa Tsina.
Bago ang kanyang pagre-retiro, itinalaga ng mahabang panahon, ang 68 taong-gulang na si Romana bilang Bureau Chief ng ABC - American media sa Tsina. Bunga ng maraming taong trabaho at pamumuhay sa Tsina, siya ay naging bantog na ekspertong Pilipino sa mga usapin ng Tsina.
Salin: Li Feng