|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Huwebes, Disyembre 8, 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nagpahayag ang panig Tsino ng lubos na pakikidalamhati sa mga biktima ng lindol sa Indonesia. Nakahanda aniya itong magkaloob sa abot ng makakaya, ng tulong sa panig Indones.
Ayon sa ulat, niyanig nitong Miyerkules ng madaling araw, Disyembre 7, ng magnitude 6.4 na lindol ang Aceh ng Indonesia. Sa kasalukuyan, nasawi ang di-kukulangin sa 97 katao, nasugatan ang mahigit 600 iba pa.
Ani Lu, ipinahayag ng panig Tsino ang lubos na pakikidalamhati sa mga biktima, at ang taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga biktima at sugatan sa lindol.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |