|
||||||||
|
||
Noong Mayo 12, 2008, ika 14:28, niyanig ang Wenchuan County ng Lalawigang Sichuan ng Tsina ng super-lindol na may lakas na 8.0 sa Richter Scale. Halos 70 libong katao ang nasawi, halos 18 libo ang nawawala, at mahigit 370 libong iba pa ang nasugatan.
8 taon na ang nakararaan, sariwa pa rin ang alaalang may kinalaman sa nasabing kalamidad, at ipinagpapatuloy pa ang gawain ng rekonstruksyon. Sa araw ng ika-8 anibersaryo ng pagkaganap ng super-lindol sa Wenchuan, sasariwain natin ang mga still photos ng kalamidad, bilang pagdambana sa kasaysayan at pakikidalamhati sa mga nasawi.
Mayo 18, 2008, pagkaganap ng lindol, naging guho ang Yingxiu Middle School na grabeng naapektuhan ng lindol.
Mayo 18, maraming bahay ang nawasak sa super-lindol. Sa loob ng isang guho, nakahilig ang isang litratong ibinitin sa pader.
Mayo 13, sa ginagawang relief works, tinulungan ng isang sundalo ang isang nasugatang babae na uminom ng tubig.
Mayo 16, umiyak ang isang ina sa tabi ng bangkay ng kanyang nasawing anak.
Mayo 15, isang doktor na tumulong sa relief works sa Dujiangyan, Lalawigang Sichuan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |