Ayon sa Indonesian National Disaster Reduction Agency nitong Huwebes, Disyembre 8, 2016, hanggang sa kasalukuyan, ang magnitude 6.4 na lindol sa Aceh, Indonesia ay ikinasawi na ng 102 katao, ikinawala ng 1, at ikinasugat ng mahigit 750 iba pa. Nawalan ang 3,276 residenteng lokal ng kanilang bahay at kasalukuyan silang naninirahan sa evacuation center. Pumunta nang araw ring iyon si Pangulong Joko Widodo ng Indonesia sa nilindol na purok para kumustahin ang mga apektadong mamamayan doon.
Salin: Li Feng