|
||||||||
|
||
Kuala Lumpur — Ipinahayag nitong Huwebes, Disyembre 8, 2016, ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, na may kompiyansa siya sa pagpapatigil ng pagde-devalue ng Ringgit.
Ipinalalagay ng Malaysian Prime Minister na ang elementong panlabas ay pangunahing sanhing nagbunsod ng pagde-devalue ng salapi ng bansa. Aniya, sa katotohanan, hindi mahina ang Ringgit.
Ayon sa pinakahuling exchange rate nitong Huwebes, patuloy ang pagbaba ng exchange rate ng Ringgit sa mga salaping tulad ng Singapore Dollar, Japanese Yen, Great Britain Pound (GBP), at Euro (EUR).
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |