|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Martes, Nobyembre 15, 2016, ni Mustafa Mohamed, Ministro ng Pandaigdigang Kalakalan at Industriya ng Malaysia, na sa kalagayang di-malinaw ang prospek ng Trans-Pacific Partnership Agreement (TPP), kasalukuyang nagsisikap ang kanyang bansa para maisulong ang talastasan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Sa isang pahayag nang araw ring iyon, sinabi ni Mustafa na sa isang pulong ministeriyal kamakailan, natamo ng iba't-ibang kasaping bansa ng RECP ang ilang progreso tungkol sa pagbabawas ng kanilang pagkakaiba sa mga temang tulad ng paninda, serbisyo, at pamumuhunan.
Dagdag pa niya na dulot ng di-matiyak na kalagayan ng kabuhayang pandaigdig, dapat palakasin ng mga kasaping bansa ng RCEP ang kanilang determinasyon, at dapat din nilang patuloy na palalimin ang kooperasyon upang magkaroon ng kasunduan sa pinakamadaling panahon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |