Binuksan Lunes, Disyembre 12, 2016, sa Kuala Lumpur ang Sentro ng "Belt and Road" Initiative. Ang sentro ay magsasagawa ng pag-aaral hinggil sa "Belt and Road" Initiative at magbibigay ng tulong sa mga bahay-kalakal para sa paggamit ng mga pagkakataong pangkooperayson.
Sinabi ni Liow Tiong Lai, Puno ng Malaysian Chinese Association (MCA) at Ministro ng Transportasyon ng Malaysia, na ang paglahok ng Malaysia sa "Belt and Road" Initiative ay magpapasulong ng konektibidad at magpapalaki ng kakayahang kompetetibo ng bansa, at ito ay makakaakit ng pamumuhunan mula sa Tsina at iba pang bansa.
saline:Lele