Ipinalabas Lunes, Nobyembre 28, 2016 ng Education Bureau ng Espesyal na Rrehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na ipagkakaloob nito ang "The Belt and Road Initiative" Scholarship sa mga estudyante ng Malaysia sa academic year 2017 hanggang 2018. Isasagawa ang plano para umakit ng mahuhusay na estudyanteng Malaysiano sa Hong Kong, at pahigpitin ang pagpapalitan ng dalawang panig.
Nauna rito, nilagdaan naman ng mga pamahalaan ng HKSAR at Indonesya ang memorandum hinggil dito. Sa academic year 2016 hanggang 2017, natamo ng 10 estudyanteng Indonesyano na nag-aaral sa Hong Kong ang naturang scholaship.
salin:Lele