Sa Conference of Rulers sa National Palace nitong Martes, Disyembre 13, 2016, nanumpa si Muhammad V, Sultan ng Kelantan State ng Malaysia, sa kanyang tungkulin bilang ika-15 pinakamataas na lider ng bansa. Napag-alamang limang (5) taon ang termino niya.
Samantala, si Dato' Seri Mohamed NAZIR Abdul Aziz, Sultan ng Perak State, ay nanumpa sa tungkulin bilang pangalawang pinakamataas na lider ng bansa. Dumalo sa nasabing pulong sina Punong Ministro Najib Tun Razak, Pangalawang Punong Ministro Ahmed Zahid Hamidi, mga cabinet ministers, at mga tagapangasiwa o kinatawan mula sa iba't-ibang estado ng Malaysia.
Ang 47 taong-gulang na si Muhammad V, ay kasalukuyang pinakabata sa siyam (9) na Sultan ng Malaysia. Mula noong 2011, siya ay itinalaga ng limang (5) taon sa puwesto bilang pangalawang pinakamataas na lider ng bansa.
Salin: Li Feng