Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Tsino, interesadong makipagkalakal sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2016-12-15 18:45:17       CRI

MARAMING mga opisyal at mangangalakal mula sa Tsina ang dumalaw sa Pilipinas mula noong magtungo sa Beijing si Pangulong Rodrigo Duterte noong nakalipas na Oktubre.

Ito ang sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia sa kanyang year-end briefing sa kanyang tanggapan kanina.

Sa pagdalaw pa lamang ni Pangulong Duterte noong Oktubre, nakaipon ang Pilipinas ng may isang daang milyong dolyar na kontrata sa pagbebenta ng mga prutas sa Tsina kasabay ng pag-aalis ng pagbabawal sa mga saging at mga manggang mula sa Pilipinas.

Higit na makakatulong ang pagiging Chairman ng Pilipinas sa ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Association of Southeast Asian Nations sa susunod na taon, dagdag pa ni Kalihim Pernia.

MARAMING MGA TSINONG MAGKAKALAKAL SA PILIPINAS.  Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia na maraming mga dumadalaw na opisyal mula sa Tsina at nagmamadaling magkatotoo ang mga ipinangakong proyekto sa Pilipinas ng dumalaw si Pangulong Duterte sa Beijing noong nakalipas na Oktubre.  (Melo M. Acuna)

Ipinaliwanag din ni G. Pernia na dumalaw na sa bansa ang mga opisyal ng National Development and Reform Commission (NDRC) na isang "super ministry" na nakakapagdesisyon sa mga proyekto sa mas madaling panahon kaysa ginagawang proseso ng National Economic Development Authority.

Ipinagtatanong na ng mga Tsino ang kalakaran ng investments sa Pilipinas lalo pa't mayrong Official Development Assistance na nagkakahalaga ng US$ 6 bilyon at US$ 3 bilyong credit line kasama ng mga Memorandum of Understanding sa pribadong sektor.

Ayon kay G. Pernia, humiling sila ng bilateral type ng screening process sa investment proposals mula sa panig ng mga Tsino na gagampanan ng NDRC upang matiyak na papasa sa accreditation ang mga kumpanyang magsusumite ng mga proposal sa Pilipinas.

Sa panig ng Pilipinas, itinatag naman ang Investment Coordination Committee bilang clearing mechanism upang maiwasan ang mga kontrobersyang nakamtan tulad ng naganap sa NBN-ZTE at North Rail project.

Sinabi rin ni G. Pernia na mayroong 36 na proyektong naisumite na at patuloy na lumalaki ang talaan sa interes ng mga Tsino at mga Filipino na magkaroon ng mga proyekto.

TALAAN NG MGA POSIBLENG PROYEKTO LUMALAGO PA.  Nadaragdagan ang bilang ng mga posibleng proyektong gawin sa Pilipinas sa ilalim ng mga kasunduan sa Tsina.  Ito ang sinabi ni Undersecretary Rolando G. Tungpalan sa idinaos na year-end briefing sa NEDA kanina.  Umabot na sa 36 ang bilang ng mga posibleng proyekto sa mga susunod na buwan.  (Melo M. Acuna)

Idinagdag ni Undersecretary for Investment Programming Rolando G. Tungpalan na naisumite na ang official list ng mga proyekto nina Secretary Pernia at Secretary Carlos Dominguez ng Department of Finance sa NDRC at Ministry of Commerce noong ika-29 ng Nobyembre. May mga pagpupulong pang magaganap sa susunod na linggo, dagdag pa ni G. Tungpalan.

Ayon kay G. Tungpalan, unti-unting nagkakatotoo ang "Golden Age of Infrastructure" na maghahatid ng "Golden Age of Rural Development."

Ibinalita naman ni Asst. Secretary for Investment Programming Ruben S. Reinoso, Jr. na ang mga ipinangakong Official Development Assistance ng mga Tsino noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay hindi pa nagagalaw. Nagkakahalaga ito ng US$ 1.2 bilyon para sa mga proyekto sa larangan ng daang-bakal, kuryente at information communication technology. Bahala na umano ang pamahalaan kung gagamitin pa ang halagang ito.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>