|
||||||||
|
||
UMALIS na si Pangulong Rodrigol Duterte patungong Cambodia para sa isang state visit na naglalayong palakasin ang relasyon ng dalawang bansa. Kinikilala rin ang Cambodia na isang malapit na kaalyado ng Tsina.
Makakaharap niya si King Norodom Sihamoni at Prime Minister Hun Sen.
Ayon sa kanyang pahayag kanina bago sumakay ng kanyang eroplano, matagal na at malalim ang relasyon ni Haring Norodom Sihamoni at kanyang pamilya sa Pilipinas. Makakaharap din niya si Prime Minister Hun Sen upang pag-usapan ang mga paraan upang magkatulungan at mga mahahalaganang isyu sa magkabilang-panig. Pag-uusapan ang defense at security measures, bilateral trade at investment, law enforcement at ang pakikidigma sa bawal na gamot.
Pag-uusapan din ang proteksyon ng mga mamamayang Filipino at Cambodian at ganoon din ang cultural and tourism cooperation. Magdiriwang ng ika-60 taon ang relasyong diplomatiko ang dalawang bansa sa susunod na taon.
Samantala, mula sa Cambodia, maglalakbay si G. Duterte patungo sa Singapore upang makausap si Pangulong Tony Tan at Prime Minister Lee Hsien Loong. Pag-uusapan naman nila ang paglaban sa terorismo, magugulong extremists at radicalization at kampanya ng pamahalaan na mangalap ng mga kalakal.
Idinagdag pa ni G. Duterte na ang lahat ng mga pagdalaw na ito bilang paghahanda sa pamumuno ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN sa susunod na taon.
Inaasahan sa pagiging pinuno ng ASEAN na makinig sa mga kalapit bansa upang magkaroon ng pinag-isang action agenda na magpapalakas sa timog silangang Asia na pakikinabangan ng mga mamamayan nito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |