|
||||||||
|
||
Dezhou, lalawigang Shandong — Opisyal na naitatag nitong Huwebes, Disyembre 22, 2016, ang Komisyon ng Kooperasyon ng mga Katam-tamang Laki at Maliit na Bahay-kalakal ng Tsina at ASEAN. Magsisikap ang komisyong ito para magkaloob ng mas maraming plataporma sa kooperasyon ng ganitong mga bahay-kalakal ng dalawang panig.
Dumalo sa pulong ang halos 60 kinatawan mula 10 bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at mahigit 200 kinatawang Tsino. Ang nasabing komisyon ay isang unofficial at non-profit na organisasyon ng kooperasyong komersyal na binubuo ng 40 kagawad mula sa Tsina, Thailand, Biyetnam, Pilipinas, at iba pang bansa. Kabilang sa mga miyembro ng unang grupo ng komisyon ay 10 bahay-kalakal ng Tsina at 30 katam-tamang laki at maliit na bahay-kalakal ng ASEAN. .
Buong pagkakaisang ipinahayag ng mga miyembro ng komisyon na pasusulungin ang pagpapalitan ng iba't-ibang panig tungkol sa kasalukuyang kalagayan at tunguhin ng pag-unlad ng nasabing mga bahay-kalakal.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |