Isinagawa kahapon, Huwebes, ika-24 ng Nobyembre 2016, sa Maynila, Pilipinas, ng Bank of China (BOC), isa sa apat na pinakamalaking bangkong komersyal ng Tsina, ang roadshow bilang promosyon para sa isang perya sa pagitan ng mga katamtamang-laki at maliit na bahay-kalakal (SMEs) ng dalawang bansa.
Gagawin ang naturang perya sa susunod na taon sa Pilipinas, batay sa kasunduang nilagdaan noong isang buwan ng BOC, Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas, Philippine Chamber of Commerce and Industries, at International Chamber of Commerce Philippine Office.
Sa peryang ito, mag-uusap ang mga katamtamang-laki at maliit na bahay-kalakal mula sa Pilipinas at Tsina, para hanapin ang pagkakataon para sa kalakalan, paglilipat ng teknolohiya, at kooperasyon sa iba't ibang aspekto. Umaasa ang BOC na lalahok sa peryang ito ang mas maraming bahay-kalakal na Pilipino.
Salin: Liu Kai