Isang eroplanong pampasahero ng abiyasyong sibil na lumipad mula Meilan Airport sa lunsod Haikou ng Tsina, ang lumapag nitong Huwebes, Disyembre 22, 2016, sa Yongxing Airport sa lunsod ng Sansha ng bansa. Ito ay ang matagumpay na unang biyahe ng business chartered flight ng Yongxing Airport.
Nagtapos ang proyekto ng pagpapalawak ng Yongxing Airport noong Mayo, 2016. Noong Disyembre 16, natamo ng paliparang ito ang civil airport operating license. Mula nitong Huwebes, naisaoperasyon ng Yongxing Airport ang business chartered flight mula sa Meilan Airport. Ito ay makakapagpabuti sa working at living conditions ng mga civil servants at mga opisyal at sundalong nakakatalaga sa lunsod ng Sansha.
Salin: Li Feng