|
||||||||
|
||
Nag-usap sina Yang Jiechi (sa kanan) at Urbino Botelho (sa kaliwa).
Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Martes, Disyembre 27, 2016, kay Urbino Botelho, Ministrong Panlabas ng Sao Tome and Principe, ipinahayag ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Konseho ng Estado ng Tsina, na ang pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Sao Tome and Principe ay magkatugma sa tunguhin ng siglo, at umaangkop ito sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan. Hinahangaan aniya ng panig Tsino ang pagbalik ng Sao Tome and Principe sa tumpak na landas ng prinsipyong "Isang Tsina." Umaasa itong sa pundasyon ng prinsipyong ito, mapapasulong ang sustenable, malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, dagdag niya.
Ipinahayag naman ni Botelho na igigiit ng kanyang bansa ang prinsipyong "Isang Tsina." Umaasa aniya siyang mapapalakas ang kooperasyon nila ng Tsina sa iba't-ibang larangan para mapasigla ang pag-unlad ng kanyang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |