Beijing —Ipinalabas Lunes, Disyembre 26, 2016, ang "Magkasanib na Komunike Tungkol sa Pagpapanumbalik ng Relasyong Diplomatiko sa Pagitan ng People's Republic of China (PRC) at Democratic Republic of Sao Tome and Principe." Ito ang nagpanumbalik sa relasyong diplomatiko ng dalawang bansa sa antas ng embahador.
Nang araw ring iyon, nag-usap sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Urbino Botelho ng Sao Tome and Principe. Pagkaraan nito, nilagdaan nila ang magkasanib na komunike.
Ayon sa komunike, kinikilala ng Sao Tome and Principe na iisa lang ang Tsina sa daigdig, at ang pamahalaan ng People's Republic of China ang siyang tanging legal na pamahalaan ng Tsina. Nangako rin ang pamahalaan ng Sao Tome and Principe na hindi gagawa ng anumang opisyal na pagpapalitan sa Taiwan.
Noong taong 1975, itinatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Sao Tome and Principe. Pero, noong 1997, kasunod ng pagtatatag ng relasyong dilomatiko ng Sao Tome and Principe at Taiwan, nahinto ang relasyon ng Sao Tome and Principe at PRC.
salin:Lele