Sinalanta kahapon, Linggo, January 1st 2017, ng malaking sunog ang isang ferry sa Indonesya. Nasawi sa aksidente ang 23 katao, nasugatan ang 17 iba pa, at nawawala pa rin ang 17.
Ayon sa mga nakaligtas, sumiklab ang sunog, mga 15 minuto pagkaraang umalis ang ferry ng puwerto sa Jakarta, at nagresulta ito sa malaking kaguluhan. Lumisan ng bapor ang maraming pasahero, at tumalon sila sa dagat.
May lulang mahigit 200 pasahero, ang naturang ferry ay naglayag mula Jakarta, tungo sa Tidung Island, isang lugar na panturista. Sa kasalukuyan, ini-imbestigahan pa ang sanhi ng sunog.
Salin: Liu Kai