Ayon sa pahayag na inilabas Sabado, Enero 7, 2017 ng Ministri ng mga Suliraning Panloob ng Thailand, di-kukulangin sa 12 katao ang nasawi sa baha sa dakong Timog ng Thailand na dulot ng malakas na pag-ulan.
Bukod dito, halos 740 libong katao sa 10 lalawigan sa dakong timog ng bansa ang apektado ng nasabing baha.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Sansern Poljiak, Tagapagsalita ng Pamahalaang Thai na naipadala na ng tropang pandagat ang mga bapor para sa gawaing panaklolo.
Ayon sa weather forecast ng Kawanihang Meteorolohikal ng Thailand, ang nabanggit na pag-ulan ay tatagal hanggang sa ika-9 ng Enero.