Sinabi nitong Martes, Enero 10, 2017, ni Punong Ministro Prayuth chan-o-cha ng Thailand, na hinihiling ni Haring Maha Vajiralongkorn ng Thailand na susugan ang burador ng bagong konstitusyon tungkol sa kapangyarihan ng hari.
Ayon sa mga mediang Thai, gagawing pokus ng pagsusog ang tungkol sa rehente. Ang ika-16 hanggang ika-19 na probisyon ng ikalawang chapter ng burador ng bagong konstitusyon ng Thailand ay may-kaugnayan, pangunahin na, sa rehente. Ayon sa ika-16 na probisyon, kung nasa labas ng bansa ang hari o sakaling hindi niya mapamahalaan ang mga suliraning pang-estad dahil sa ilang dahilan, hihirangin niya ang isang tao bilang pansamantalang rehente. Pero, nais ng haring Thai, na ang rehente ay maari ring inomina ng ibang opisyal ng pamahalaan.
Salin: Li Feng