Kuala Lumpur — Ipinahayag nitong Martes, Enero 10, 2017, ng Tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Malaysia na ang pagpapalakas ng mapagkaibigan at aktuwal na kooperasyong Sino-Malay ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa. Kapwa nakikinabang dito aniya ang dalawang panig. Ito ay bunga ng magkasamang pagsisikap ng dalawang pamahalaan at mga mamamayan ng dalawang bansa sa mahabang panahon, at hinding hindi ito mapahihintulutang insultuhin ng sinuman, dagdag pa niya.
Sinabi rin niya na nitong ilang taong nakalipas, nananatiling 100 bilyong dolyares ang lebel ng halaga ng kalakalang Sino-Malay. Ang Tsina ay nagsisilbing pinakamalaking trade partner ng Malaysia nitong nagdaang pitong taong singkad, at ang Malaysia naman ang pinakamalaking trade partner ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) nitong nagdaang walong taong singkad, aniya pa.
Salin: Li Feng