|
||||||||
|
||
Sa pag-uusap nitong Linggo, Enero 15, 2017, nina Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon at Pangulong Joko Widodo ng Indonesia, ipinahayag ng una na palalakasin ng panig Hapones ang pakikipagkooperasyon sa Indonesia sa mga larangang gaya ng seguridad sa dagat, at kabuhayan.
Bukod dito, ipinahayag ni Abe ang pag-asang mapapabilis ang proseso ng talastasan upang magkaroon ng kasunduan ang dalawang bansa tungkol sa pagpapasulong sa paglilipat ng kagamitan at teknolohiyang pandepensa sa lalong madaling panahon. Layon nito aniyang palakasin ang kooperasyon ng dalawang panig sa larangang panseguidad at pandepensa.
Ipinahayag pa niya ang pag-asang mapapalalim ang pakikipag-ugnayang pangkabuhayan sa Indonesia upang mapasulong ang katatagan at kaunlaran ng rehiyong ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |