|
||||||||
|
||
COMMUNITY-BASED REHAB MAHALAGA. Bukod sa paglalagay sa drug dependents sa rehab centers, mahalaga ang papel ng komunidad sapagkat sa paglabas sa mga rehab centers kung makabibili naman ng droga sa kapitbahay, mawawalang-saysay ang pagpapagamot. Ito ang sinabi ni Dr. Benny Vicente, director ng National Center for Mental Health. (Melo M. Acuna)
HINDI kakailanganin ng mega-rehabilitation centers ng bansa tulad ng inaasahan ng pamahalaan sapagkat maaaring mangilan-ngilan lamang ang nararapat mapasok sa rehabilitation centers.
Ito ang sinabi ni Dr. Bernardo Vicente, ang medical center chief ng National Center for Mental Health. Naniniwala siyang marami ang nararapat sumailalim ng assessment subalit hindi mangangailangan ng confinement.
Ipinaliwanag pa niyang sa kanyang pagamutan, ang nangungunang karamdaman ng mga pasyente ay schizophrenia at sinusundan ng bi-polars at pangatlo naman ang substance abuse. Nagkakaroon sila ng isa hanggang dalawang kaso sa bawat buwan.
Naniniwala si Dr. Vicente na malaki ang papel ng komunidad sa pagbabago at pagpapagaling ng drug dependents sapagkat kahit gaano katindi ang rehabilitation program ng rehabilitation centers, mawawala ang saysay nito kung sa oras na lumabas ang mga pasyente ay madaling makabibili ng bawal na droga sa komunidad.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |