|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni Phankham Viphavanh, Pangalawang Pangulo ng Laos, na nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na umuunlad ang komprehensibo at estratehikong partnership ng Laos at Tsina. Magkasama aniyang itatatag ng dalawang panig ang matibay na komunidad ng komong kapalaran.
Winika ito ni Phankham sa kanyang pakikipagharap kay Guan Huabing, Embahador ng Tsina sa Laos. Sinabi rin niya na ang kasalukuyang relasyong Lao-Sino ay nasa pinakamabuting panahon sa kasaysayan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |