Nilagdaan kahapon ng Tsina at Laos ang Plano hinggil sa Magkasamang Pagtatatag ng Sona ng Kooperasyong Pangkabuhayan sa Mohan-Boten, dalawang siyudad sa hanggahan ng dalawang bansa.
Ang Mohan ay matatagpuan sa lalawigang Yunnan sa dakong timog-kanluran ng Tsina. Ang Boten, kahangga ng Mohan, ay matatagpuan sa Luang Namtha Province ng Laos.
Tumayong-saksi sa seremonya ng paglalagda sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na Lao na si Choummaly Sayasone.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac